Opisyal sa Indonesia, sinibak sa pahayag na posibleng mabuntis ang babae sa swimming pool

Photo: TribunJakarta

Itiniwalag ang isang opisyal sa Indonesia, matapos imungkahing maaaring mabuntis ang kababaihan sa swimming pool na pinagdausan ng “malakas na sperm” ng lalaki.

Nilagdaan ni President Joko Widodo ang isang kautusan sa agarang pagpapaalis kay Sitti Hikmawatty bilang child protection commission member, dahil sa walang basehang pahayag na umani ng batikos.

Noong Pebrero nang sabihin ni Hikmawatty sa isang panayam tungkol sa teen pregnancy ang posibilidad na mabuntis sa pampublikong pool.


“A pregnancy can happen even though there is no sexual penetration,” aniya noon.

Bagaman agad niya itong binawi, inirekomenda na ng isang ahensya ng gobyerno ang pagpapatalsik sa opisyal na dating university professor.

Samantala, sinubukan pa ni Hikmawatty na maipagpaliban ang pagpapaalis sa kanya sa pagdadahilan ng COVID-19 pandemic.

“Mr President, there’s a common enemy we must face together. Allow me to finish my child protection efforts during the pandemic,” pakiusap niya kay Widodo.

Facebook Comments