Opisyales ng mga Barangay na Walang BADAC, Kakasuhan

Katumbas ay pagpapabaya sa trabaho ang kawalan ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils o BADAC.

Ito rin ay maituturing na dereliction of duty at gross negligence ayon sa DILG at PDEA.

Ito rin ay puwedeng maging basehan ng kasong administratibo na isasampa laban sa mga opisyales na namamahala sa naturang barangay.


Dahil dito ay pabor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng barangay na wala pang naitatatag na Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa kanilang lugar.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng PDEA sa media kabilang na dito ang RMN Cauayan News, suportado nila ang hakbang na ito ng DILG.

Matagal na umanong pinapadalhan ng DILG kasabay ang pagkastigo sa mga opisyales ng barangay na magtatag ng BADAC ngunit lumanding lamang umano ito sa tengang kawali.

Matagal na umano na panahon na isinawalang bahala ito ng maraming mga opisyales ng barangay.

Ang pagtatatag ng BADACs ay matagal nang ay iniaatas ng DILG sa pamamagitan ng MC No. 2015-063 at muling ipinaalala ng Drugs Board (DDB) Regulation No. 3 Series of 2017, o “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program” para sa paglilinis sa mga barangay laban sa illegal na droga.

Dahil umano sa patuloy na pagbabalewala ay inaasahang magpapalabas ng isang memorandum ang DILG na manghihikayat sa mga opisyal ng barangay na magtatag na ng kanilang BADAC sa loob ng tatlumpung araw.

Kung hindi umano nila ito gagawin ay makakasuhan ang mga ito dahil sa pagpapabaya ng tungkulin.

Sinabi naman ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na ang kawalan hanggang ngayon ng BADAC sa isang barangay ay palatandaan na sangkot ang mga barangay officials sa kalakalan ng droga o possible ring pugad ng mga durugista ang kanilang barangay.

Facebook Comments