Nakataas ngayon sa full alert status ang apat na rehiyon sa bansa dahil sa na-monitor na oplan aklasan ngayong araw, ang anibersaryo ng martial law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa nakuhang impormasyon Directorate for Operation ng Philippine National Police (PNP) bumuo ang communist terrorist group ng grupo na hihikayat sa mga Pilipino na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nilang kampanyang talsik.
Dahil dito epektibo hating gabi kagabi ay itinaas sa full alert status ang Region’s 1, 3, 4A at National Capital Region (NCR).
Habang itinaas naman sa heightened alert ang Regions 2, 5 at Cordillera, iniutos naman sa ibang Police Regional Offices (PRO) na mahigpit na i-monitor ang sitwasyon sa kanilang mga lugar lalo na ang mga magsasagawa ng kilos protesta.
Ipinauubaya naman ng directorate for operations ng PNP sa mga regional directors ng ibang rehiyon ang pagtataas ng kanilang alerto depende sa sitwasyon sa kanilang area of responsibility.