Oplan alis disease vs. polio outbreak, pinapabuhay ng isang Senador sa DOH

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Health o DOH na buhayin ang Oplan Alis Disease na isang massive immunization campaign laban sa polio.

 

Apela ito ni Hontiveros sa DOH  matapos ideklara ang polio outbreak sa Lanao del Sur.

 

Ipinaalala ni Hontiveros na nasubukan ng epektibo ang nabanggit na programa kaya idineklara ng World Health Organization ang Pilipinas na polio free noong taong 2000.


 

Nakakaalarma para kay Hontiveros na makalipas ang 19 na taon ay may naitatala na namang kaso ng polio sa Pilipinas.

 

Bukod dito ay ikinakabahala din ni Hontiveros ang measles crisis na nangyayari sa apat na rehiyon sa bansa at ang dengue epidemic.

 

Facebook Comments