OPLAN B.I.D.A., PATULOY NA UMAARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Activated na ang OPLAN B.I.D.A. o “Batang Iwas sa Dahas at Abuso” sa Mas maraming paaralan sa Dagupan City bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa proteksyon ng mga kabataan laban sa karahasan at pang-aabuso.

Layunin naman nitong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang karapatan at kaligtasan.

Dumagdag sa listahan ng mga paaralan na binisita ng programa ang Lucao Elementary School bukod pa sa mga naunang paaralan tulad ng West Central Elementary School II, Mamalingling Elementary School, Salisay Elementary School, Tambac Elementary School, at Victoria Q. Zarate Elementary School.

Tumanggap din ng hygiene kits ang mga nag-aaral kalakip ng lecture sa tamang pangangalaga ng ngipin.

Ang OPLAN B.I.D.A. ay bahagi ng mga hakbang upang masiguro ang ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments