Oplan Bakal Sita at Oplan Katok, Maigting na Ipinatutupad ng PNP Cabagan!

Cabagan, Isabela- Maigting ang ginagawang pagpapatupad ng PNP Cabagan sa kanilang kampanya sa Oplan Katok at Oplan Sita bilang bahagi ng pagtiyak ng kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PCI Noel Magbitang, ang hepe ng PNP Cabagan ay sinabi nito na tuloytuloy ang ginagawa nilang pagbabantay at pagsita sa mga Bar sa bayan ng Cabagan upang masiguro na walang sinuman ang nagdadala ng mga baril na kadalasang nagiging sanhi ng insidente.

Bagamat wala umano silang mga nakikitang lumalabag ay tuloytuloy naman ang kanilang monitoring upang makatiyak at maipatupad ang alituntunin na dapat sundin ng mga tao.


Samantala, iginiit pa nito na sa kanilang pagpapatupad ng Oplan Katok ay mayroon naman umano silang dalawang napasuko at ito ay ang mga baril na paso na ang mga lisensya.

Patuloy naman ang panawagan ng hepe sa mga residente kaugnay sa kanilang kooperasyon at pagsunod sa mga bayas upang tuluy-tuloy ang kapayapaan sa kanilang bayan.

Facebook Comments