Isinagawa kahapon ang ‘Oplan Baklas’ bilang bahagi ng pagbabantay ng Commission in Elections Pangasinan sa election at campaign period ngayong nalalapit na 2025 Midterm Elections.
Nagsimula ng alas otso ng umaga ang naturang aktibidad sa bahagi ng Dagupan City at diretso sa malaking bahagi ng bayan ng Lingayen.
Ayon sa tanggapan ng COMELEC Pangasinan, tanging mga national candidate campaign materials muna ang kanilang mga binabaklas na nasa mga bahaging hindi maaaring paglagyan.
Umantabay naman ang hanay ng kapulisan sa pagsasagawa ng naturang pagbabaklas upang maiwasan ang aksidente at matiyak ang seguridad sa paligid.
Sa ngayon, maigting ang pagpapaalala ng COMELEC Pangasinan sa mga tumatakbo ngayong eleksyon na dapat sumunod sa lahat ng mga pamantayan at regulasyon ng tanggapan para sa nalalapit na eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









