Oplan Baklas ng Comelec, magpapatuloy lamang sa mga pampublikong lugar matapos ang TRO ng Korte Suprema

Tiniyak ng Commission on Election (Comelec) na tuloy ang pagbabaklas nila sa mga oversized posters at mga campaign paraphernalia na wala sa itinakdang common poster areas.

Gayunman, nilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang Operation Baklas nila ay sa mga pampublikong lugar lamang.

Ang kanila aniyang sinuspinde ay ang pagbabaklas sa election materials na nasa loob ng mga pribadong compound.


Ito ay matapos na magpalabas ang Supreme Court ng temporary restraining order na pansamantalang nagpapatigil sa Oplan Baklas ng Comelec.

Samantala, nagsagawa ang Comelec ng welcome ceremony kay bagong Comelec chairman Saidamen Pangarungan at kina bagong Commissioners George Garcia at Aimee Neri.

Isinalin na rin ni dating acting chairperson Socorro Inting ang Comelec seal kay Chairman Pangarungan.

Facebook Comments