Oplan Balik Disiplina sa Kalsada ipinatupad ng PNP Pangasinan

Lingayen Pangasinan – Patuloy ang pagtaas ng vehicular accidents mula 2017 hanggang sa kasalukuyan sa probinsya at karamihan dito ay sangkot ang mga nag-momotorsiklo. Kaya naman sa derektiba ni Acting Provincial Director P/Col. Redrico Maranan ilulunsad ng PNP Pangasinan ang Oplan Balik Disiplina sa Kalsada.

Layunin ng nasabing programa na resolbahin ang problema sa dumaraming aksidente sa mga kakalsadahan ng lalawigan. Sa datos ng PNP Pangasinan hindi baba sa 20 vehicular accidents ang naitatala nila sa buong lalawigan at karamihan sa mga namamatay ay mga nagmomotor na walang suot na anumang protective gears.

Huhulihin ang mga motoristang lalabag sa alituntuning itatakda ng nasabing programa lalo na ang mga hindi marunong magsuot ng helmet na haharap sa karampatang parusa at penalties.


Tiwala naman si Maranan na susunod ang mga motorista sa Oplan Balik Disiplina sa Kalsada na ang hangarin ay gawing ligtas ang lahat sa kakalsadahan.

Photo by Pangasinan PMFC 

Facebook Comments