Maglulunsad ng Oplan Balik-Eskwela Command Center ang Department of Education (DepEd) sa August 15, 2022.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, layunin ng command center na makapagbigay ng mas madaling koordinasyon sa pagitan ng publiko at pamunuan ng DepEd hinggil sa mga suliraning posibleng harapin sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa August 22.
Paliwanag ni Poa, dalawang taong na sa blended learning ang bansa dahil sa COVID-19 kaya magiging malaking hamon ang pagbubukas ng klase ngayong taon.
Nananatiling problema pa rin ang congestion sa mga paaralan dahil sa kakulangan ng pasilidad at aminado rin dito ang DepEd.
Kasama rin sa mga nakikitang problema ang kakulangan ng silid-aralan sa CALABARZON at Metro Manila.
Samantala, pagdating naman sa Abra at Ilocos Sur na labis na napinsala ng lindol, sinabi ni Poa na tuloy-tuloy ang paglalagay ng temporary learning spaces dito.