Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na nakahanda na ang kanilang binuong inter-agency task force na tututok sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 5.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – katuwang ng DepEd ang ilang ahensya ng pamahalaan at non-government agencies sa binubuong ‘oplan balik eskwela’ inter-agency task force.
Layon aniya ng nasabing task force na matiyak ang kaayusan sa darating na pasukan.
Samantala, kabilang naman sa mga tinalakay ng inter-agency task force ang gagawing pag-aksyon sa seguridad, traffic management, probisyon sa mga pasilidad ng mga paaralan at maging ang nakatokang sari-sariling responsibilidad ng mga ahensya.
* DZXL558*
Facebook Comments