OPLAN BALIK-TANAW EYECARE MISSION NG R1MC, ISINAGAWA SA BAYAN NG BURGOS

Matagumpay na isinagawa ng Region 1 Medical Center ang pagbisita sa mga residente ng bayan ng Burgos kung saan sumailalim ang mga ito sa libreng cataract screening.
Ang mga benipisyaryong mayroong katarata ay naka-iskedyul na operahan sa R1MC Eye Center na matatagpuan dito sa lungsod ng Dagupan.
Ang OBT ay kinonsepto ng ospital katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at First Congressional District Office.

Bukod sa libreng Cataract Screening, isinagawa naman ang dental mission sa tulong ng R1MC Dental Section.
Laking pasasalamat naman ng mga kwalipikadong benipisyaryo dahil sa tulong na ito ng pamahalaan ay hindi na nila problemahin ang kanilang pagpapagamot at malaking bawas na anila ang kanilang magagastos na magagamit pa nila sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments