
Nagsagawa ng OPLAN Bandillo ang mga tauhan ng PNP Basista sa Basista Public Market bilang bahagi ng kanilang kampanya sa pagbibigay ng impormasyon at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Brylle Dave P. Dong-oc, Chief of Police (COP) ng Basista. Sa pamamagitan ng OPLAN Bandillo, nagpalaganap ng mahahalagang paalala ang mga pulis sa mga mamimili at tindero upang mapataas ang kamalayan ng publiko at makatulong sa pag-iwas sa mga posibleng insidente ng pagnanakaw sa lugar.
Bukod dito, nagbigay rin ng mga paalala sa kaligtasan sa paggamit ng paputok, kabilang ang wastong paghawak at ang kahalagahan ng pagsunod sa itinalagang firecracker zones upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ngayong panahon ng kasiyahan.
Patuloy na hinihikayat ng PNP Basista ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at pagsunod sa mga alituntunin, upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.










