Thursday, January 29, 2026

OPLAN BANDILLO, PINATATAG SA PAMILIHANG BAYAN NG LINGAYEN

Pinalakas ang pagpapatupad ng Oplan Bandillo sa Pamilihang Bayan ng Lingayen bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar na dinarayo ng mga mamimili at negosyante.

Nagsagawa ng roving at information drive ang Lingayen Police Station sa loob at paligid ng public market, kung saan ipinaalala sa mga nagtitinda at mamimili ang mga karaniwang krimeng nagaganap sa pamilihan gaya ng pandurukot at panlilinlang.

Kasabay nito, nagbigay rin ng paalala ukol sa tamang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga pedestrian sa paligid ng market complex.

Bahagi rin ng operasyon ang pamamahagi ng mahahalagang hotline at impormasyon hinggil sa agarang pagresponde sa oras ng emergency.

Layunin ng Oplan Bandillo na palakasin ang presensya ng pulisya at paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad upang maiwasan ang krimen at mabilis na matugunan ang anumang insidente sa pamilihang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments