Friday, February 13, 2026

OPLAN BIDA, PATULOY NA LUMILIBOT SA MGA PAARALAN SA DAGUPAN CITY

Patuloy ang laban ng siyudad sa pagprotekta sa mga kabataan mula sa sexual abuse at exploitation sa pamamagitan ng kampanyang OPLAN B.I.D.A, isang programa na naglalayong turuan ang mga estudyante tungkol sa “Good Touch, Bad Touch.”

Sa ilalim ng programang ito, mahigit 14,000 na mag-aaral na ang naabot ng mga seminar at aktibidad na naglalayong palakasin ang kaalaman ng mga bata para maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso. Sa kasalukuyan, isinagawa ang sesyon sa Bonuan Buquig National High School (BBNHS) kung saan naging aktibong bahagi ang mga estudyante, guro, at mga lokal na opisyal.

Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang Department of Education Schools Division Office, City Population and Development Office, Women’s Center, Teen Center, at ang pamunuan ng paaralan upang masigurong epektibo at malawak ang maabot ng adbokasiya.

Ang OPLAN B.I.D.A ay isang hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kamalayan ng mga kabataan at kanilang mga magulang hinggil sa tamang pagtrato sa sarili at pag-iwas sa mga mapanganib na sitwasyon. Sa ganitong paraan, mas pinapalakas ang proteksyon sa mga bata laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.

Facebook Comments