OPLAN BIYAHENG AYOS PARA SA SEMANA SANTA AT SUMVAC 2026, KASADO NA

Pinaghahandaan na ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang implementasyon ng Oplan Biyaheng Ayos 2026 upang matiyak ang kabuuang seguridad at kaayusan sa paggunita ng Semana Santa at Summer Vacation (SUMVAC) ngayong taon.

Sa ilalim ng naturang operasyon, maglalatag ang ahensya ng sapat na bilang ng mga tauhan at mga kinakailangang kagamitan upang maging handa sa agarang pagresponde at pagbabantay sa mga pangunahing pantalan, pasyalan, at iba pang convergence areas kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero.

Paiigtingin din ang pagpapatupad ng maritime safety protocols, kabilang ang mahigpit na inspeksyon sa mga sasakyang pandagat, at pagtiyak na maayos ang kalagayan ng mga bangka at barko bago bumiyahe.

Tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pagbibigay ng maayos at maagap na serbisyo publiko, lalo na sa panahong inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero at trapiko sa mga pantalan at baybayin. Hinihikayat din ang publiko na makiisa sa mga ipinatutupad na alituntunin para sa ligtas at maayos na paglalakbay ngayong Semana Santa at bakasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments