“Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020” ng PCG, sinimulan na

Photo Courtesy: PCG Facebook Page

Epektibo na mula ngayong araw ang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Philippine Coast Guard (PCG).

1,409 na tauhan ng PCG ang naka-deploy ngayon para mag-inspeksyon ng daan-daang barko at motorbancas.

Gayundin sa libo-libong mga pasahero na uuwi sa kanilang mga lalawigan sa mga pantalan sa buong bansa.


Bukod sa maritime security at maritime safety, mahigpit din ang pagbabantay ng PCG sa mahigpit na pagpapatupad ng public safety protocol ngayong Christmas season sa harap ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments