Oplan Biyaheng Undas ng PCG, activated na

Epektibo kaninang alas-12:00 ng tanghali, naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagbabantay sa mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng mga papalaot na sasakyang pandagat ngayong Undas.

1,664 Coast Guard personnel ang nakapagsagawa na ng inspeksyon sa 247 vessels at 388 motorbancas.

Gayundin ang 6,637 outbound passengers at 5,838 inbound passengers sa iba’t ibang ports sa bansa.


Habang ang Coast Guard District – Southern Tagalog ay nakapagsagawa na rin ng inspeksyon sa 51 vessels.

Ang Coast Guard District – National Capital Region (NCR) naman ay nakapagtala ng outbound passengers na 1,665 at inbound passengers na 1,594.

Facebook Comments