Simula sa Lunes, April 8 muling ikakasa ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanilang kahandaan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero kasabay ng paggunita ng Semana Santa at Summer vacation.
Kasunod nito ngayong araw pa lamang ay naghahanda na ang mga tauhan ng apat na paliparan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ginagawa na ang kaukulang koordinasyon para sa maayos at ligtas na sumvac o Summer Vacation 2019.
Sa ilalim ng “Oplan byaheng ayos” magkakaroon ng mas mahigpit na ugnayan ang MIAA sa mga airline companies, PNP Aviation Security group at Bureau of Customs.
Ang mga transport officer at personnel ay kailangang tiyakin ang kaligtasan, seguridad at kaginhawaan ng mga pasahero na maglalakbay.
Lahat ng booths at counters ay dapat maayos na pinangangasiwaan sa lahat ng oras upang maiwasan ang mahabang pila.
Ilalagay narin sa heightened alert ang lahat ng sectoral offices at attached agencies bilang paghahanda sa mabigat na daloy ng trapiko.