OPLAN DISIPLINADONG DRIVER | Libu-libong illegal motorcycle accessories, winasak

Manila, Philippines – Libu-libong motorcycle accessories na nakumpiska ng
PNP-High Patrol Group ang winasak sa Camp Crame kaninang umaga.

Yuping-yupi at halos madurog ang mga accessories gaya ng led light, sirens,
muffler at blinkers matapos na pasagasaan sa backhoe.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng oplan disiplinadong driver ng PNP-HPG na
sinimulan noong Oktubre 2017.


Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, layon nito na matigil ang
pagsisigasigaan ng ilang motorista sa kalsada, mapa-pulitiko man o
ordinaryong tao.

Kasabay nito, 1,500 na HPG-supervised road safety marshals ang nanumpa para
maging mata ng PNP sa mga kalsada.

Sila ay pawang mga volunteers na sumailalim sa pagsasanay at law
enforcement course.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments