Pormal na sinimulan ngayong araw ang Anti-illegal Drugs Operation thru Reinforcement and Education (ADORE) marker na bahagi ng Oplan Double Barrel 2022.
Isinagawa ito sa Camp Crame kasabay ng flag raising ceremony.
Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang seremoniya at naging panauhing pandangal si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay PNP Chief, paiigtingin ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga ngayong pumasok na sa new normal ang bansa.
Partikular na tututok ang Oplan Double Barrel Finale sa Rehabilitation, Reintegration and Recovery ng may 1.2 milyong nabiktima ng iligal na droga.
Nagpasalamat naman si Duque sa PNP at iba’t ibang ahensya ng gobyerno nang sa ganun tuluyan nang mapagtagumpayan ang kampaniya laban sa iligal na droga sa bansa.