Dagupan City – Mahigpit na pinagbabawal sa Artikulo 21 ng Dagupan City ang mga menor de edad na nasa computer shops sa oras ng klase. Kaya naman sa Oplan Galugad ng Philippine National Police, kasama ang mga computer shops sa kanilang inspections upang matiyak na pumapasok ang mga estudyante at upang mailayo sa kapahamakan ang mga batang estudyante.
Ayon kay Froilan Esteban SPO4 ng Dagupan City, kaniyang sinabi na ang Oplan Galugad ay pinamumunuan mismo ni PNP Dagupan Chief PSupt. Jandale Sulit. Ang mga mahuhuling menor de edad sa mga computer shop ay bibigyan ng warning offense na kung saan papaalisin sila at uutusang bumalik sa kani-kanilang klase. Habang ang computer shop owner ay mabibigyan din ng warning offense. Kung mahuling muli ang mga batang estudyante ay dadalhin na sila sa kustodiya ng Barangay Hall na nakakasakop ng establismyento at ipapatawag ang kani-kanilang mga magulang para ibalik sa kanilang pangangalaga.
Kung mag tuloy-tuloy pa ang ganitong gawain ng mga computer shop ay maari ng magpasa ng rekomendasyon ang ating kapulisan sa government office na may saklaw dito upang ipasara at kanselahin ang kanilang Business Permit.
Ulat ni Jense Rualo