OPLAN GALUGAD | Lalaki, arestado sa pagdadala ng baril sa Parañaque City

Parañaque City – Arestado ang 26-anyos na lalaki matapos itong mahulihan ng baril sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Alvin Santeleses na residente sa nabanggit na barangay.

Nagsasagawa ng oplan galugad ang mga pulis sa Puyat Compound ng makita ang suspek na kaduda-duda ang kilos.


Bigla na lang tumakbo ng walang dahilan ang suspek pero agad itong hinabol ng mga pulis kung saan nakuha sa kaniya ang isang revolver r8 caliber .22 na kargado ng 2 bala.

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong RA 10591 in relation to omnibus election code o gun ban.

Facebook Comments