Oplan galugad na isinagawa ng tatlong ahensya sa QC jail, nag-negatibo sa droga

Manila, Philippines – Negatibo sa illegal na droga ang Oplan galugad na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Aganecy, Bureau of jail and Penology at ng Quezon City Police District.

Partikular na ginalugad ng tatlong ahensya ang dormitoryo ng Commando gang at bahala na gang.

Nauna nang sinalakay ng mga otoridad ang dormitoryo ng sputnik gang dahil sa nakuhang kaalaman na apat sa mga miyembro nito ay nagpupuslit ng illegal na droga sa loob ng QC jail.


Pero, sa raid na isinagawa kanina, mga ilang piraso ng matatalimna bagay at mga bawal na equipment lamang ang nasamsam.

Tiniyak naman ni Jail Supt Ermelito Moral na magtutuloy tuloy ang gagawin nilang operation greyhound para matiyak na hindi maipapasok ang illegal na droga sa loob ng naturang piitan.

Facebook Comments