OPLAN GALUGAD | No. 7 most wanted person sa Pasay City, arestado

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng warrant and subpoena section ng
Pasay City Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector
Oscar Barongan
Jr. sa isinagawang manhunt operation (Oplan Galugad) ang tinaguriang most
wanted person number 7 sa Pitimini, Maricaban, Pasay City.

Kinilala ang suspek na si John Dexter Acebuche 20 anyos service crew, at
residente ng Pitmini Street. Maricaban, Pasay City.

Inaresto si Acebuche sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge
Tingarran U. Guiling, ng RTC Branch 109, Pasay City sa kasong Robbery.


Inirekomenda naman ng Korte na makapagpiyansa ang suspek sa halagang 24 na
libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments