Oplan Greyhound, ikinasa sa detention cell ng MPD Station-13 sa Baseco

Nagkasa ng “Oplan Greyhound” ang Manila Police District (MPD) Station-13 sa mismong detention cell nito sa Baseco Compound.

Ayon kay MPD Station-13 Commander Police Lt. Col. Robert Domingo, ang naturang operasyon ay upang masigurong walang anumang kontrabando na makakapasok sa nasabing kulungan.

Ilan sa mga nakumpiskang gamit ay mga relo, plastic spoon, toothbrush, ballpen, Bluetooth speaker at iba pa.


Nasa 105 inmates ang nananatili sa detention cell ng MPD Station-13 kung saan 80 dito ay lalaki at 25 ang babae.

Ito na ang ikatlong araw na nagkasa ng Oplan Greyhound ang MPD at kabilang sa mga naunang nainspeksyon ay ang Station 1,3, 9 at 11.

Facebook Comments