Oplan Implant Biyahe Ayos! Undas 2017, inilunsad ng LTO-NCR

Manila, Philippines – Inilunsad ng (LTO-NCR) ang “Oplan Implant Biyahe Ayos! Undas 2017” bilang paghahanda sa inaasahan pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus.

Sinabi ni Atty. Clarence Guinto, director ng LTO-NCR na bahagi ng paglulunsad ay ang ibibigay na “Seminar on Road Safety” sa mga drayber ng pampublikong sasakyan lalo na ang provincial bus.

Kasama aniya ng LTO ang Department of Transportation at LTFRB sa paglalagay ng “help desk” upang alalayan ang mga pasahero na patungo sa mga probinsya.


Kasabay din nito ang pamimigay ng mga babasahin sa mga pasahero, na mag-ingat sa pagsakay ng bus.

Pinaalalahin din ang pupliko na tiyakin nasa ligtas ang kanilang mga tahanan bago magsi-alis.

Pinapaalalahanan din ni Guinto ang mga operator ng bus at mga driver na ipatupad ang 20% ​​na pamasahe para sa mga estudyante, may kapansanan at mga nakatatanda.

Ang random drug testing para sa mga driver ng bus at konduktor ay gagawin din ng mga tauhan ng LTO at LTFRB.

Dagdag pa nito, ang bawat bus ay dapat mayroon legal na dokumento.

Habang ang pasaway na taxi driver ay kanilang kakastiguhin.

Facebook Comments