OPLAN IWAS PAPUTOK PARA SA BAGONG TAON, ISINAGAWA SA ALAMINOS

Nagsagawa ang Lokal ng Pamahalaan ng Alaminos sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste kasama ang Market and Cemetery Office at Public Order and Safety Office ng programang ‘Oplan Iwas Paputok’ para sa nalalapit na bagong taon.
Sumusuyod at tinitiyak ang kalidad ng mga nagbebenta ng paputok sa bypass(old) sa siyudad.
Ito ay bahagi ng Oplan Pasko at Bagong Taon ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos.

Ilan sa mga binisita ay ang mga tourist spots at bilihan ng mga paputok sa old bypass road.
Naglalayon ang programa na matiyak ang kaligtasan ng mga bisita sa siyudad pati na rin mga kababayan nito sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na maging maingat sa lahat ng pagkakataon at sumunod pa rin sa safety health protocols. |ifmnews
Facebook Comments