OPLAN IWAS PAPUTOK, PINALAKAS NG ALAMINOS CITY

Patuloy ang isinasagawang joint inspection ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos City, katuwang ang iba’t ibang government line agencies, bilang bahagi ng Oplan Iwas Paputok ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa mga isinagawang inspeksyon, mahigpit na binabantayan ang mga establisimyento at nagbebenta ng paputok upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa itinakdang alituntunin ng pamahalaan.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng kaukulang permit at ang pagbebenta lamang ng mga paputok na pinahihintulutan ng batas.

Kasama rin sa operasyon ang paalala sa publiko hinggil sa wastong paggamit ng paputok at ang pag-iwas sa mga ilegal at delikadong uri nito.

Ayon sa mga awtoridad, ang paglabag sa mga patakaran ay maaaring humantong sa pagkumpiska ng paputok at pagpapataw ng kaukulang parusa.

Samantala, nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa lahat ng residente ng Alaminos City na makiisa sa Oplan Iwas Paputok at pumili ng mas ligtas na paraan ng pagdiriwang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments