Oplan Kalinga, matagal na sanang ipinatupad ayon sa Palasyo

Sana noon pa man ay naipatupad na ang Oplan Kalinga.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque upang hindi na lumaganap pa ang community transmission ng COVID-19.

Pero umaasa si Roque na sa pamamagitan ng Oplan Kalinga, localized lockdowns at ang pinaigting na pagpapatupad ng Test, Trace and Treat (T3) sa Metro Manila ay unti-unti nang magfa-flatten ang curve ng COVID-19.


Ang Oplan Kalinga ay ang pagsundo sa mild at asymptomatic individuals ng mga health workers kasama ng mga pulis upang sila ay ilipat sa quarantine facilities.

Hindi kasi maaaring mag-home quarantine na lamang ang mayroong mild symptoms at yung mga asymptomatic kung sila ay may kasamang nakatatanda, buntis at may sakit.

Requirement din sa pag-home quarantine ay mayroon itong sariling banyo at kwarto upang iwas halubilo sa iba pang indibidwal.

Una nang nilinaw ng Malakanyang na walang militarisasyon sa gagawing pagtunton sa mga residenteng nagpositibo sa COVID-19 na kasalukuyang naka-home quarantine.

Facebook Comments