
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Oplan Katok.
Ito’y sa kabila nang panawagan ng Commission on Elections (COMELEC) na isuspinde muna ang implementasyon nito ngayong election period.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Marbil, malinis ang layunin ng Oplan Katok na masugpo ang pagkalat ng illegal firemarms.
Aniya, pili lang naman ang kinakatok ng PNP at ito yung mga gun owner na paso na ang License to Own and Possess Firearms at firearms registration.
Kasunod nito, magkakaroon ng dayalogo ang PNP at COMELEC hinggil sa Oplan Katok na posibleng idaos sa Martes.
Facebook Comments