Patuloy na sinusuyod ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) ang mga barangay sa bayan sa pagpapatupad ng Oplan Katok.
Simula noong Oktubre 21 hanggang 22, nakapag deposito ng dalawang surrendered firearms ang pulisya mula sa mga barangay ng San Roque at Macayog, kung saan paso na o wala nang lisensya ang mga baril.
Ayon sa San Jacinto MPS, nakapagtala na ang munisipalidad ng 7 surrendered firearms mula Hunyo hanggang sa kasalukuyan.
Dagdag pa rito, ang mga hindi magsusurender o magdedeposito ng hindi lisensyadong baril ay maaaring makasuhan ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kaugnay sa balita, inihayag ng ahensya ang nalalapit na License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan sa bayan ng San Jacinto nitong Disyembre, kung saan mapapalapit ang pagpaparehistro ng baril ng mga residente at mga kalapit bayan.









