OPLAN KONTRA BOGA | 20 matataas na kalibre ng armas, isinuko ng ilang mga residente sa Tawi-Tawi

Tawi-Tawi – Isinuko ng ilang residente sa magkakahiwalay na barangay sa munisipyo ng Tandubas sa Tawi-Tawi ang nasa mahigit 20 ang bilang ng mga assorted long at short firearms.

Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na prorama ng pulisya na “Oplan Kontra Boga” na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga unlicensed at loose firearms.

Kabilang sa mga isinukong baril ay ang caliber 30 garand, M79, improvised M14, G2 rifle, US caliber 30 M-1 carbine, caliber .45 pistol, at 38 revolver.


Nagmumula ang mga armas sa mga barangay ng Himba, Sibakloon, Taruk, Salamat at barangay Naungan sa nasabing munisipyo.

Kaugnay nito, umaasa ang pulisya na marami pang mga residente ang kusang isusuo ang hawak nilang armas na walang lisensiya.

Facebook Comments