“Oplan Lakbay Alalay” ng DPWH, kasado na!

Manila, Philippines – Kasado na ang “Oplan Lakbay Alalay” ng Department of Public Works and Highways ngayong Undas.
Ayon sa DPWH, sisimulan nila sa Lunes, October 30 ganap na alas singko ng hapon hanggang sa November 2 ng tanghali ang “Oplan Lakbay Alalay”.
Magtatalaga ang DPWH ng mahigit isang daang team sa mga pangunahing lansangan sa bansa para magbigay ng tulong sa mga motorista lalo na sa mga masisiraan.
Katuwang ng DPWH sa isasagawang Lakbay Alalay, ang Land Transportation Office, Philippine National Police, at mga opisyal ng Local Government Units.
Samantala, ipinag-utos ng DPWH sa kanilang mga regional offices at district engineering offices na makipag-ugnayan sa mga contractor ng mga kinukumpuning kalsada para schedule ng maintenance works upang makapagpalabas ng abiso sa mga motorista.
Maari namang makipag-ugnayan ang mga motorista sa DPWH hotline 165-02 at magtext sa 2920.

Facebook Comments