Bukas ang pinto at maaari na kayong umalis!
Ito ang pagbabanta ni bagong talagang National Capital Region Police Office Chief Police Brigadier General Vicente Danao sa mga pulis na sangkot sa illegal drug activities.
Sa kanyang pahayag kasunod ng change of command ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, binigyaan diin ni Danao na agad siyang magpapatupad ng Oplan Litis laban sa mga police scalawag.
Babala ni Danao, kung may mga paisa-isang pulis na naliligaw ng landas, tigilan na ang iligal na gawain lalo na ang may kaugnayan sa droga dahil hindi niya ito palalampasin.
Ipinaalala rin ng opisyal ang mandato ng PNP na pagsilbihan at protektahan ang publiko, maging ang kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at ang labanan ang kriminalidad at korapsyon sa pamahalaan.