Oplan Love Life ng PNP Isabela, Umarangkada na!

278

Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ng buong hanay ng PNP Isabela ang kanilang project lovelife ngayong araw mismo ng mga puso, Pebrero 14, 2020.

Ito ay sa pangunguna ni Provincial Director PCol Mariano Rodriguez, kung saan naka pwesto na sa mga itinalagang checkpoint ang bawat hanay ng kapulisan para sa mas pinahigpit na pagpapatupad sa batas trapiko at ordinansa sa mga farm equipments upang mailayo sa kapahamakan ang mga motorista.


Batay sa inilabas na Memorandum ng IPPO, hindi na mag-aatubili ang kapulisan na huliin at pagmultahin ang sinumang mahuhuling motorista na lalabag sa batas trapiko.

Visible na rin ang kapulisan sa mga hotel at mall upang mapanatili ang kaayusan at kapayaan sa Lalawigan.

Layon rin nito na mabawasan ang mga nangyayaring aksidente sa lansangan.

Paalala naman sa lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho upang makaiwas sa disgrasya sa kalsada.



Facebook Comments