
Sinimulan ngayong unang araw ng Disyembre ang kampanya ng Bureau of Fire Protection – GenSan na Oplan Paalala: Iwas Paputok.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Lester John Muñez, ang tagapagsalita ng BFP-GenSan, layunin ng nasabing programa na mas palawakin pa ang kaalaman ng publiko hinggil sa posibleng mangyaring sunog mula sa mga paputok.
Dagdag pa ni Muñez, magsasagawa sila ng mga programa para maihatid sa mga tao ang pag-iingat ngayong Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.
Kasali rin sa kanilang adbokasiya ang pagpapalaganap ng isang ligtas na pagdiriwang ng holiday season kung saan malayo sa panganib ang mga pamilyang Pilipino, at maiiwasan ang mga sunog.
Katuwang ng BFP-GenSan ang LGU GenSan at iba pang ahensya.
Facebook Comments









