OPLAN PAALALA: IWAS PAPUTOK NG BFP, PATULOY NA UMAARANGKADA

Cauayan City – Patuloy ang pag-arangkada ng Oplan Paalala: Iwas Paputok ng Bureau of Fire Protection ngayong Holiday Season sa buong Lambak ng Cagayan.

Ang kampanyang ito ay upang bigyang paalala ang publiko kaugnay sa panganib katulad ng sunog na maaaring idulot ng paputok at pyrotechnics ngayong panahon ng Kapaskuhan at bagong taon.

Layunin ng kampanyang ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maipagdiwang ang panahong ito ng ligtas at malayo sa panganib.


Maliban sa pagbibigay paalala at bilang parte ng Oplan Iwas Paputok, inilunsad rin ng iba’t-ibang Fire Stations sa buong Rehiyon ang Motorist Assistance Desk at BFP First Aid Service Team (BFP FAST) upang magabayan ang publiko sa tulong na kanilang kailangan.

Facebook Comments