Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang muling pagsama-sama ng mga reached-out individual at kanilang pamilya ngayong Christmas season.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nagawa ito sa pamamagitan ng “OPLAN Pag-Abot sa Pasko” program.
Ayon kay Asec. Dumlao, isang halimbawa lang ito ng commitment ng DSWD para pagsamahin ang mga pamilya, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa ilalim ng proyekto, lahat ng na-reach-out na pamilya ay binibigyan ng iba’t ibang serbisyo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program at Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program o BP2.
Ang iba naman ay dinadala sa DSWD-run Centers and Residential Care Facilities para sa kanilang pansamantalang tirahan.
Facebook Comments