Oplan Sagip Anghel Kontra Droga, magkatuwang na inilunsad ng MPD at DSWD

Manila, Philippines – Magkatuwang na ikinasa ng Manila Police District at Department of Social Welfare and Development ang Oplan Sagip Anghel Kontra Droga kung saan dinampot ng mga otoridad ang hindi bababa sa 30 palaboy sa may Lawton, Manila.

Ayon sa pulisya, ikinasa ng mga ito ang naturang operasyon upang sagipin ang mga solvent boys.

Kabilang sa mga sinuyod ng mga otoridad sa kanilang clearing operation ay ang paligid ng post office at Bonifacio Shrine.


Karamihan naman sa mga nasagip ng mga otoridad ay mga menor de edad habang ang ilan dito ay magkakamag-anak na napadpad sa Manila.
Dinala ang mga nailigtas na mga kabataan sa action and reception center ng Manila upang kuhanan ng mga personal na impormasyon ang mga ito

Oras na mabatid ng mga operatiba na hindi taga-Manila ang kanilang nasagip ay agad naman nila itong papauwiin pabalik ng kani-kanilang mga probinsya.

Facebook Comments