Oplan Semana Santa 2016 Ng Miaa, Epektibo Na Bukas

11

MANILA – Epektibo bukas, araw ng Biyernes ang implementasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng Oplan Semana Santa.Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng malaking bilang ng mga pasaherong tutungo sa mga lalawigan para sa semana santa.Kasabay nito ang pagpapa-igting ng seguridad sa NAIA Terminals.Tatagal ang Oplan Semana Santa ng MIAA sa Linggo ng Pagkabuhay sa Marso a bente otso.Inatasan naman ng MIAA ang airlines na magdagdag ng mga tauhan sa check-in counters para mapabilis ang proseso.

Facebook Comments