Oplan Semana Santa ng MMDA, epektibo na bukas

Photo Courtesy: MMDA Facebook Page

Epektibo na bukas ang “Oplan Metro Alalay Semana Santa” o Oplan MASS ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Aabot sa 2,681 na mga tauhan ang ipakakalat ng MMDA simula bukas hanggang sa Abril 18.

Partikular na i-de-deploy ang mga ito sa mga pangunahing mga lansangan at transporation hubs upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa Semana Santa.


Tututukan din ng MMDA ang mga entry at exit points mula Metro Manila patungo sa North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal Road, McArthur Highway, Mindanao Ave., at A. Bonifacio.

Makakatuwang din ng MMDA sa pagbabantay ng trapiko ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Magtatalaga rin ang MMDA ng traffic enforcer sa paligid ng Quiapo Church, Manila Cathedral, San Agustin Church, Sto. Domingo Church at Redemptorist Church sa Baclaran.

Facebook Comments