Manila, Philippines – Ipatutupad ng Civil Aviation Authority of the
Philippines (CAAP) ang ‘no leave and day-off’ policy sa lahat ng kanilang
airport personnel para sa susunod na dalawang linggo.
Bahagi ito ng ‘oplan Semana Santa 2018’.
Ayon sa CAAP – inaasahang tataas ng walong porsyento ang bilang ng mga
pasahero sa Holy Week.
Noong nakaraang taon, aabot sa anim na milyong domestic at international
passengers ang naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakipagtulungan na rin ang CAAP sa Office for Transport Security (OTS) para
sa baggage screenings at sa PNP-aviation security group para sa seguridad.
Magdadagdag din ng airline personnel’s at help desk.
Paalala ng CAAP sa mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na
gamit sa paliparan para maging mabilis ang processing sa mga screening
checkpoints.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>