OPLAN SITA | Isang lalaki, nahulihan ng baril sa Quezon City

Manila Philippines – Kalaboso ang isang 42-anyos na lalaki matapos na mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa inilatag na oplan sita ng Manila Police District (MPD).

Kinilala ang nadakip na si Glenn Dea Rosario Dario residente ng Area 3, Capiligan Street, E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Naaresto ito sa oplan sita sa kahabaan ng Legarda Street, Sampaloc, Maynila kung saan isang kalibre 38 na baril na kargado ng dalawang bala ang nakuha sa kaniya.


Walang naipakitang dokumento o lisensiya ang suspek kaugnay sa pagbibitbit ng baril at napag-alaman na makailang beses na itong nasangkot sa mga kaso ng robbery sa Maynila at Quezon City.

Paliwanag naman ng suspek, patungo siya sa isang kaibigan upang dalhin ang baril.

Facebook Comments