
Pinaigting ng Lingayen Municipal Police Station (MPS) ang police visibility sa bayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Oplan Sita sa mga pangunahing entry at exit points ng munisipalidad.
Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar at mapigilan ang mga posibleng kriminal na aktibidad.
Layunin ng Oplan Sita na mabantayan at matukoy ang mga hinihinalang “motorcycle-riding suspects” (MRS), masuri kung may dalang loose firearms o iba pang ilegal na kagamitan ang mga dumaraan, at matiyak ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas trapiko at mga ordinansa ng bayan.
Bukod dito, layon din ng operasyon na masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian na dumaraan sa mga pangunahing kalsada ng Lingayen.
Tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa ilalim ng “No Let-Up” campaign ng Philippine National Police.
Hinihikayat din ng pulisya ang patuloy na pakikipagtulungan ng publiko sa mga checkpoint at iba pang police operations upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










