OPLAN SITA SA DAGUPAN CITY, MAS PINAG-IIGTING

Dahil sa sunod sunod na vehicular accidents na nangyayari sa Dagupan City, matatandaan na inilunsad ng lokal na pamahalaan katuwang ang PNP ang Anti-Drunk and Drug Driving Act sa lungsod na naglalayong maiwasan ang mga aksidente lalo na ang mga motoristang nasa ilalim ng impluwensya ng alak at ang mapanganib na droga.
Alinsunod dito ang pagpapaigting ng Oplan Sita sa mga kakalsadahan at checkpoints at pagiinspeksyon ng mga dokumento sa mga motorista, at pagsasailalim sa alcohol breath test upang malaman kung may impluwensya ba ng alak ang mga nagmamaneho.
Ang ilang motorista aminadong mas maigi daw ang ganitong pamamalakad upang maging maayos ang daloy ng trapiko dahil maiiwasan sa gantong paraan ang mga aksidente sa kalsada lalo na ngayon na tila sunod-sunod ang mga nadidisgrasya.

Katuwang naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang PNP at ang POSO Dagupan sa pag-iimplementa na nasabing batas. Dagdag pa rito ang mahigpit pa ring pagpapatupad ng batas trapiko sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments