OPLAN SITA SA MGA PASAWAY AT HINDI SUMUSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS, PINAIGTING NG PULISYA AT LOKAL NA PAMAHALAAN MANGALDAN

Nananawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan at ng Mangaldan Police Station sa bawat mamamayan na sundin ang “Mask is a Must!” upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bayan.

Kalakip nito ang patuloy na pagpapalakas ng OPLAN SITA ng Mangaldan MPS ay ang pag-iikot at pamimigay na rin ng medical grade face mask sa mga naabutang walang suot sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay sa Chief of Police ng Mangaldan PS na si Lt Col. Vicente Castor, Jr. na seryoso ang kanilang pamunuan sa ipinapatupad na mga alituntunin, kung saan hindi na lamang nagtatapos sa paninita ang isinusulong na aksyon.


Gayunpaman, mariin pa ring pinapaalala na ang tunay na solusyon ay hindi lamang ang law enforcement kundi ang responsableng pakikipagtulungan ng mamamayan na sumusunod sa mga itinalaga na minimum health at safety protocols.

Facebook Comments