Oplan Tabang ng RMN Foundation at Dzxl 558 Radyo Trabaho sa ilang paaralan sa Metro Manila bilang pakikiisa sa World Teacher’s Day, aarangkada na ngayong araw!

Bilang pakikiisa sa World Teacher’s Day, muling aarangkada ang Oplan Tabang ng RMN Foundation at DZXL 558 Radyo Trabaho para maghatid ng hygiene care package sa ilang paaralan sa Metro Manila.

Kabilang sa mga pupuntahan ng grupo ngayong araw ay:

– Manggahan High School sa Pasig City


– Las Piñas National High School

– Las Piñas East National High School – Equitable Village Annex

– Captain Albert Aguilar O Caa National High School – Annex Sa Las Pińas City

Ang mga napiling paaralan ay naunang sumulat sa RMN Foundation para sa kanilang brigada eskwela ngayong School Year 2021-2022.

Katuwang naman sa proyektong ito ang ACS Manufacturing Corporation makers ng PRIDE Detergent Powder, Smart Diswashing Liquid.

Gayundin ang suporta ng Philippine Dental Association-Las Piñas Dental chapter at Inner Wheel Club of Las Piñas and Environs.

Muli, ang aming pagpupugay at pagsaludo sa mga masisipag nating guro, mabuhay po kayo!

Facebook Comments