Sinimulan na ang RMN Foundation Inc., ang “Oplan Tabang Relief Operations” nito sa mga probinsya sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay Patrick Aurelio, Corporate Social Responsibility Assistant ng RMN Foundation, 700 pamilya ang target nilang maabutan ng paunang tulong.
Una nang umarangkada ang relief operations ng RMN Foundation sa Bacolod at Cebu kung saan 300 pamilya ang mabibigyan ng relief goods na naglalaman ng mga bigas, de lata, noodles, kape at inuming tubig na sasapat hanggang apat na araw.
Full force naman ang DZXL 558 RMN Manila, DXBC RMN Butuan, DXRS RMN Surigao at DXCC RMN Cagayan de Oro sa direktang pamamahagi ng food packs sa 400 pamilya sa Surigao at Dinagat Islands.
Ayon kay Aurelio, inisyal na tulong pa lamang ito dahil sa susunod na linggo, babalik ang ating team sa iba pang mga probinsyang sinalanta ng bagyo para maghatid ng tulong.
Nagpapasalamat po ang RMN sa mga nakatuwang natin sa paghahatid ng relief goods sa mga kababayan nating sinalanta ng Bagyong Odette.
Maraming salamat sa 4th Infrantry Batallion ng Philippine Army at sa 50th Army Reserve sa Caraga Region na tumulong sa ating team para ligtas na mai-biyahe ang mga relief goods.
Sa lahat ng mga kasamahan nating radyoman sa probinsya na kahit kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay pinili pa ring makiisa sa ating Oplan Tabang.
Sa ating partner agency, ang Pfizer Philippine Foundation Inc. at sa lahat ng nagpaabot ng cash donations sa RMN Foundation, Inc., maraming salamat po sa inyong tiwala.
Para sa mga nais pang magpaabot ng tulong, mangyari lamang po na ipadala sa:
UCPB account number: 201-340-005-360
BPI account number: 0071-1015-25
Paypal.Me: RMN Foundation