OPLAN TAMBAY OPERATION | 3 drug pusher, arestado sa Talisay City, Cebu

Cebu City – Arestado ang tatlong indibidwal na tulak ng iligal na droga sa ikinasang oplan tambay operations sa Talisay City, Cebu.

Unang nadakip sa Sittio Galaxy si Vanessa Paculaba na nahulihan ng 71 maliit na pekete ng shabu.

Sunod na naaresto sa sittio Kilawan sina Efril Fernandez at Junmar Cabando kung saan nakuha sa kanilang pag-iingat ang 35 na maliit na pakete ng shabu.


Kasalukuyan nasa kulungan ang tatlong drug suspects at inaalam na kung sino ang source nila ng iligal na droga.

Facebook Comments